- tao sa kapiligiran mo.
- Magiging dead kid ka na naman ng ilang linggo o ilang buwan.
- Di mo alam kung saan ka pupunta, bahay at school na naman ang gagawin mo.
- Yung takot na baka husgahan ka ng tao dahil sa paglipat mo ng school.
- Bagong professors na naman ang kikilalanin mo.
- At marami pang iba.
Pero sa umpisa lang naman yun e, kung kaibigan lang rin naman eh magkakaroon ka. Lahat naman ng nakilala mo sa dati mong paaralan eh nakilala mo lang rin dati. Ibig kong sabihin eh hindi mo rin naman sila kilala, parehas lang yun.
Malay mo may dahilan bakit ka lilipat diba? Malay mo sa bagong paaralan na lilipatan mo dun ka lalo ganahan mag-aral, nandun ang mga mas tunay na kaibigan, nandun yung tao na magmamahal sayo at marami pang iba.
Hindi naman nawawala ang kaibigan, mas madadagdagan nga ang kaibigan mo dahil andiyan ang teknolohiya, andiyan ang facebook,skype,twitter at cellphone. Kaya wala ka dapat ipangamba.
Lahat naman ng first time eh nakakatakot talaga sa una, pero kailangan mong labanan yun. Ang mahalaga nakakapag aral ka at may choice ka diba? yung iba nga gustong gusto mag aral, eh wala lang talagang pera para makapagbayad ng mamahaling tuition na hindi naman talaga dapat.





